Sunday, November 20, 2016

Share the Truth


FACT :Ang termino ni Ferdinand Marcos bilang presidente ay mula Disyembre 30, 1965 hanggang Pebrero 25, 1986.
Isa-isahin po natin ang pinagkakalat ng Brand X at Bobong mga Trolls na kabobohan.
Sabi ng mga putanginang troll: WAG KAYO DUMAAN SA EDSA
Ateng may EDSA na po bago maupo sa Marcos
Simula nang ginawa ang EDSA noong 1930's una itong tinawag bilang "North-South Circumferential Road", na ginawa sa loob ng panungkulan ni Presidente Manuel L. Quezon, na pinangunahan ng mga inhinyerong sina Florencio Moreno at Osmundo Monsod.
Source:
Sabi ng bungol na troll: WAG KAYO SUMAKAY SA NAIA
Ganito yun ateng:
1935= Ang original na airport sa Manila ay Grace Park Airfield na kilala sa Manila North sa Grace Park, Caloocan.
1937= Pinasinyaan ang Manila International Air Terminal na may 42 hectares (4,500,000 sq ft) Nielson Airport. At ang runway nito na nasa Ayala Avenue at Paseo de Roxas sa Makati.
1948= pagkatapos ng Philippine independence, nilipat ang airport sa katabi nitong Villamor Airbase, na kilala sa tawag na Nichols Field at ang USAF base runway (Runway 13/31). Ang original na structure na itinayo ay site ng Terminal 2.
1954= Itinatag ang international runway at associated taxiway ng airport
1956= sinimulang i-construct ang control tower at terminal building para sa i international passengers. At pinasinayaan ang bagong terminal noong September 22, 1961.
1972=Nasunog ang original na terminal at nagtayo ng mas maliit na terminal sa sunod na taon. Ang ikalawing terminal sa bansa ay itinatag noong 1981 na ngayon ay Terminal 1.
Noong August 17, 1987 sa bisa ng Republic Act No. 6639 ay ipinangalan kay Benigno "Ninoy" Aquino, Jr. ang Airport.
So sa madaling salita, nakatayo na ang airport dyan bago pa maupo si Marcos.nyahahaha
Sabi ng shungang troll: UMALIS KAYO SA MGA REGION NG PILIPINAS FROM REGION 1-12, UMALIS KAYO SA NCR
Nakakahiya naman ateng, kelan pa naging pagmamay-ari ni mga Marcos ang Region 1-12 at NCR?
Sabi ng tontang troll: WAG KAYO SUMAKAY SA MGA TRAIN , LRT, MRT AT PNR
Nakakaloka ka ateng, balik ka muna ng grade 1. May PNR na po bago maupo si Marcos. Mula MRCCo pinalitan ang pangalan ng PNR noong June 20, 1964. Hindi pa po pangulo nyan si Marcos.
June 20, 1964 – Republic Act No. 4156 is enacted. It changes the corporate name of MRRCo to Philippine National Railways (PNR)
Pakisampal ang link na ito para makita nyo ang time table :
Sabi ng ungas na troll: WAG KAYO GUMAMIT NG MERALCO
Ateng nahihiya na talaga ako sayo. May MERALCO na po bago maupo si Marcos as president
In 1961, Don Eugenio López, Sr. acquired Meralco and finally making it wholly Filipino-owned.
isaksak mo sa kokote mo itong link na to para malaman mo ang historical background ng MERALCO:
Sabi ng tangang troll: WAG KAYO GUMAMIT NG MWSS
Hay nakuh ateng, may MWSS na po bago maging pangulo si Marcos. Dating NAWASA ang tawag dyan na pinangalan nung 1955 at pinalitan lang na kilala na ngayon sa tawag na MWSS.
Basahin nyo nalang ang history ng MWSS kaloka!
Sabi ng Bobang trolls: WAG NYO TANGGAPIN ANG 13th MONTH PAY.
Alam nyo ba na ang 13th month pay ay ipinasa sa ilalim ng PD 851 ni Pres. Marcos noong December 16, 1975. Ngunit ang 13th month pay ay ibinibigay lamang sa mga empleyadong kumikita ng hindi lagpas ng isang libong piso.
Noong Agusto 13, 1986, sa ilalim ni Pangulong Cory Aquino sa pamamagitan ng Memorandum Order No. 28 ay tinanggal ang limit na isang libong piso. Nang dahil dito , ang lahat ng empleyado kahit anong rank at sweldo ay makakatanggap ng 13th month pay regardless sa monthly basic salary (maliban na lamang kung ang kanilang employer ay exempted sa aplikasyon ng PD 851).
Nang dahil sa sinusuka nyong kultong Dilawan na yan ay nagkaroon tuloy ng pagkakapantay pantay ng karapatan ang mga empleyado sa 13 month pay.
Isaksak nyo sa bituka nyo itong link source:
Teka, eh pera din ng bayan ang ginamit sa pagpapatayo ng mga proyekto nung panahon nya. Ano nalang ang ipagmamalaki niyo? hahaha
#ShareTheTruth

1 comment:

  1. Intuit created Quickbooks to help business owners and professional by taking care of their accounting needs. You can focus on core aspects of your business rather worrying about legal obligations of bookkeeping by simply using Quickbooks. quickbooks online

    ReplyDelete